Pinangunahan ni Business Permit and Licensing Office (BPLO) Chief Albert Porticos ang paglalagay ng Fare Matrix Stickers (FMS) at Detailed Isabela City Route (DICR) sa isang pampaseherong tricycle, Abril 30, Isabela City Hall.
Ang pamamahagi ng FMS at DICR sa lahat ng rehistradong Tricycle Operators ay magsisimula sa nasabing araw mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon sa BPLO.
Tanging ang 134 na tricycle operator na nagbayad ng halaga ng FMS at DICR ang bibigyan ng prayoridad sa nasabing petsa. Ang ibang mga tricycle operators ay pinapayuhan na pumunta at bumisita sa BPLO sa oras ng opisina para sa karagdagang impormasyon at tulong.
Pinapayuhan ang mga nasabing tricycle operators na dalhin ang kanilang mga tricycle units para kunan ito ng larawan. (Kuha ni Nila Ramirez, BPLO)