Ramadhan 2023 Musabaqah Culmination and 5 Pillars of Islam Game Show Awarding
May 2, 2023Tingnan
May 2, 2023
Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang angking galing at pagmalikhain sa Sakayan Boat-Making Contest, Abril 30, sa Plaza Isabela.
Gamit ang limitadong materyales, kaniya-kaniyang pagkamaparaan ang mga kasali upang makabuo ng isang maliit na bersyon ng isang sakayan –simbolo ng Sakayan Festival at ng Lungsod ng Isabela. Wika ni Claudio Ramos II, tagapangulo ng Tanggapan ng Turismong Panlungsod, ang nasabing patimpalak ay upang mapanatili sa kamalayan ng bawat Isabeleño ang kahalagan at kahulugan ng sakayan sa kasaysayan at pagkakakinlan ng Lungsod ng Isabela na siya namang buod ng Ika-22 Araw ng Lungsod ng Isabela na tangan ang temang “Mga Kulay na Samo’t Sari, Iisang Bahaghari.”
Pararangalan ang mga nagsipag-wagi sa pampinid na palatuntunan ng Sakayan Festival sa Mayo 05, kung saan 10 sa kanila ay mag-uuwi ng plake at papremyong salapi na P5,000. (Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni KJ Evardo, CIO).
Related