Bilang kinatawan ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, pinangunahan ni Bise-Alkalde Jhul Kifli Salliman, Mayo 01, ang mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Isabela sa isang mangrove-growing activity sa Sitio Lantung, Barangay Baluno. Kasama rin ng pangkat ang mga elemento ng Himpilan ng Pulisya sa Lungsod ng Isabela.
Sa pasimuno ng Tanggapan ng Turismong Panlungsod, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa at ng 2023 Sakayan Festival. Ito ay pagtalima sa adhikain ng Administrasyong Turabin-Hataman na panatilihin at pagyabungin ang isang malinis at luntiang kapaligiran para sa lahat ng Isabeleño.
Sa kaparehong oras ay nagkaroon naman ng tree-growing activity sa Barangay Masola. Ang pagtatanim ng bakawan ay isang paraan upang mapangalaagan ang mga baybaying bahagi ng lungsod. (Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni M. Santos, CIO)