Hapisabela Agro-Industrial, Trade and Tourism Expo 2023
April 28, 2023Youth Scribes Slug it Out in SAKAYAN Essay Writing Tilt
April 28, 2023
Sa pagdiriwang ng Ika-22 Araw ng Lungsod ng Isabela, ang Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng ISATV LEAD Production ng Local Economic Development and Investment Promotions Office sa pangunguna ni LEDIPO Chief Juanito Jaime Rivera ay naghandog ng pagtatanghal, Abril 26 sa Plaza Isabela.
Nagpamalas ng galing sa pagkanta ang Top 5 finalists na sina Jayvee Cabcaban ng Barangay Baluno, Ylmar-Al Amping ng Barangay Riverside, Jorick Eupenado ng Barangay La Piedad, Ashley Jane Morales ng Barangay Lanote, Rica Jane Gadingan ng Barangay La Piedad sa katatapos lamang na Iba Ka, Isabela! The Final Showdown.
Ang mananalo ay iaanunsyo sa Mayo 5, at makakatanggap ng P50,000 na cash pati na rin ang titulong Iba Ka, Isabela! Season 1 Grand Champion. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni KJ Evardo, CIO)
Related