Bilang bahagi ng tradisyong sinimulan ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, naglibot ang ilang kawani ng Tanggapan ng Punong-Lungsod (OCM), Abril 23, sa mga barangay ng Lampinigan at Tampalan.
Binisita ng nasabing grupo ang 12 kabahayang Muslim sa bawat nasabing mga barangay upang maghatid ng P2,000 bilang sorpresang handog ngayong Eid’l Fitr.
Ang Eid Sorpresa ay isang programang ginagawa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr ng mga pamayanang Muslim sa Lungsod ng Isabela kahalintulad ng mga kaparehong mga aktibidad tuwing Kapaskuhan. Layunin ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman na maramdaman ng bawat Isabeleño ang pantay na serbisyo at kalinga, anuman ang kanilang pananampalataya. (Kuha ni D. Jalani, CIO)