Paglulunsad ng Chikiting Ligtas Vaccination Program sa Lungsod ng Isabela, Pinaghahandaan na
City Government Hosts Grand IFTAR
April 18, 2023
SAKAYAN Fest 2023 to Feature Fluvial Parade
April 19, 2023
Bilang tugon sa pambansang programa ng pagbabakuna sa lahat ng batang may 9-59 buwang gulang, ginanap ngayong Abril 18 ang isang pagpupulong ng mga child development workers mula sa 45 na barangay ng Lungsod ng Isabela.
Sa nasabing aktibidad, ginabayan ni Isabela City NIP Coordinator Jane Buenbrazo ang mag nagsidalo ukol sa Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) ng Kagawaran ng Kalusugan. Nagbigay naman ng panimulang pananalita si Mingkie Abdurahman, DOH-CHD IX Development Management Officer-Designate.
Ang Chikiting Ligtas MR-OPV SIA ay tatakbo mula Mayo 01-31 at may layong bakunahan ang mga bata ng nasabing edad laban sa polio, rubella, at tigdas. Mamimigay rin ng Vitamin A supplements ang nasabing kampanya.
Ang buong suporta ng Pamahalaang Lungsod sa programang ito sa pamamagitan ng Tanggapan ng Kalusugang Panlungsod ay nakaangkla sa adhikain ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman na mapangalagaan ang kapakanang pangkalusugan ng mga kabataang Isabeleño.
(Sulat ni M. Guerrero/Kuha nina KJ Evardo at M. Santos, CIO)