Bilang bahagi pa rin ng Clean Isabela priority agenda at Solid Waste Management Plan ng Lungsod ng Isabela, ipinag-utos ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman ang paglalagay ng mga color-coded na basurahan sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Ipinapatupad sa lungsod ang pagsunod sa waste segregation policy na kung saan kailangang paghiwa-hiwalayin ang mga basura gamit ang mga sumusunod na kulay:
Dilaw (Yellow) – Hazardous Waste o Nakakalason/Nakakamatay
Ito ang mga hindi na kailangan na gamit na pag itanapon kung saan-saan ay makakaapekto ito sa kalikasan. Halimbawa, nito ang mga Nagniningas: Mga pintura, tuyo o basa, mga produktong mula sa petrolyo, mga pampakintab, gasolina. Mga nakasisirang bagay: Mga asido, base, baterya at iba pang mga healthcare/medical waste.
Luntian (Green) – Biodegradable o Nabubulok
Ito ang uri ng basura na nabubulok. Ito ay ginagamit bilang fertilizer o pataba sa lupa. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga nabubulok a mga bagay ay mga dahon, balat ng prutas, at dumi ng mga hayop.
Bughaw (Blue) – Recyclables o Nareresiklo na Basura
Ito ay kinabibilangan ng mga uri ng materyales na maaari pang iproseso upang magamit o mapakinabangan muli. Kabilang dito ang mga papel kasama ang newspapers, magazines, and mixed paper, cardboards, glass bottles at mga jars, matibay na plastic products, Metal containers, tulad ng tin, aluminum, at steel cans.
Itim (Black)- Residual Wastes o Wala ng Gamit
Ayon sa National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ang mga residuals ay mga solid wastes na non-recyclable o hindi na maaari pang magamit muli at non-compostable o hindi nabubulok. Kabilang sa mga halimbawa ng residual wastes ay ang mga sanitary napkins, disposable diapers, worn-out rugs, ceramics, plastic-lined cartons at mga candy wrappers.
Pula (Red) – Special Wastes
Ito ay isang uri ng solid waste na hindi kasama sa hazardous waste. Nangngailangan ito ng espesyal na pamamaraan ng pagtatapon para mapangalagaan ang pampublikong kalusugan o kalikasan. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga sumusunod: treated medical waste, dead animals, non-regulated asbestos, regulated asbestos, empty pesticide containers, sludges, grease trap waste and grit trap waste.
Pinapaalalahanan naman ang lahat na sumunod sa ordinansa ukol sa wastong segregation ng basura at panatilihing malinis ang kapaligiran, lalong-lalo na ang mga dalampasigan at daluyan ng tubig.