Isabela City Waste Management
In Run-Up for Agri Summit, Minda Visits Isabela City Farms
April 13, 2023
IFTAR para sa mga PDLs
April 14, 2023

Bilang bahagi ng Clean Isabela priority agenda at Solid Waste Management Plan ng Lungsod ng Isabela, ipinag-utos ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman ang pagsasa-ayos ng Isabela City Waste Management Facility sa pangunguna ng City General Services Office.

Ang Isabela City Waste Management Facility na matatagpuan sa Sitio Lantung, Barangay Baluno ay kung saan itinatapon ang mga basurang nakokolekta ng CGSO sa lungsod. Ito ay maayos na pinapangasiwaan at dito ipinapatupad ang recycling o re-use of plastic materials, samantala, ang mga nabubulok o biodegradable na basura ay pinoproseso naman sa pamamagitan ng composting.

Sa patuloy na pag-aayos ng dumping site, mapapansin ang paggamit ng mga gulong, plastic bottles at iba pang mga recyclable na basura.

Pinapaalalahanan naman ang lahat na sumunod sa ordinansa ukol sa wastong segregation ng basura at panatilihing malinis ang kapaligiran, lalong-lalo na ang mga dalampasigan at daluyan ng tubig.

#HAPIsabela

#CleanIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeforAll

#BasuraMoBawasanMo