| Bilang bahagi ng pagsaulog ng Banal na Buwan ng Ramadhan, naghandog ng mga packed meals, Abril 12, ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Isabela sa pamumuno ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman bilang Iftar ng mga Muslim na PDLs sa Piitang Panlungsod ng Isabela.
Isinagawa ang nasabing aktibidad sa pangunguna ni Rix La Guardia, kinatawan ng Isabela City Anti-Drug Abuse Council at tagapag-unay sa mga pwersang panseguridad sa lungsod. (Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni KJ Evardo, CIO)