Ramadhan Grocery Packs, Sinimulan Ipinamahagi
Isabela City Development Alliance Meeting
April 4, 2023
In Run-Up for Agri Summit, Minda Visits Isabela City Farms
April 13, 2023
Namahagi ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Isabela sa pangunguna ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, Abril 03, ng mga Ramadhan Grocery Packs sa mga kabahayang Muslim sa mga barangay ng Balatanay, Baluno at Makiri.
Bilang pagkilala sa iba’t ibang kultura at pananampalataya ng mga pamayanan sa lungsod, naging bahagi na ng kasalukuyang administrasyon ang pagbibigay ng mga grocery packages sa mga kabahayang Muslim tuwing Ramadhan kahalintulad ng natatanggap ng mga kabahayang Kristyano kapag panahon ng Kapaskuhan. (Kuha Nina KJ Evardo at JM Gamao, CIO)