Ramadhan Grocery Packs, Sinimulan nang Ipamahagi
Mga Sasakyan at Gamit Kontra Krimen, Ipinamahagi
April 3, 2023
Care for the Carers
April 3, 2023

Sinimulan nang ipamahagi ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Isabela sa pangunguna ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, Abril 1, ang mga Ramadhan Grocery Packs sa mga kabahayang Muslim sa Marang Marang at Panigayan.

Bilang pagkilala sa iba’t ibang kultura at pananampalataya ng mga pamayanan sa lungsod, naging bahagi na ng kasalukuyang administrasyon ang pagbibigay ng mga grocery packages sa mga kabahayang Muslim tuwing Ramadhan kahalintulad ng natatanggap ng mga kabahayang Kristyano kapag panahon ng Kapaskuhan. (Kuha ni D. Jalani, CIO)

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeforAll