Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Banal na Buwan ng Ramadhan, ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pangunguna ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman katuwang ang Tanggapan ng Ugnayan at Pamamahalang Pangbarangay sa pamumuno ni Tagapayo Pedrito Eisma, ay nagkaloob ng P30,000 halaga ng tulong-pinansyal sa 27 barangay sa Lungsod ng Isabela na karamihan ng residente ay Muslim.
Tinanggap ito ng mga punong-barangay o kinatawan mula sa Makiri, Sumagdang, Port Area, Kapatagan Grande, Carbon, Masola, Tampalan, Panigayan, Kapayawan, Lukbuton, Marketsite, Lumbang, Lanote, Marang-Marang, Timpul, Diki, Balatanay, Kumalarang, Riverside, San Rafael, Tabuk, Lampinigan, Cabunbata, Maligue, at Kaumpurnah Zones 1, 2, at 3. (Sulat ni SJ. Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)