Isabela City Naghahanda para sa El Niño
Mayor Dadah namahagi ng Tulong Pinansyal para sa Buwan ng Ramadhan
March 23, 2023
Isabela City Nagningning sa Pagsimula ng Ramadhan
March 24, 2023

Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pangunguna ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman kasama ang mga stakeholder nito ay nagpulong bilang paghahanda sa nalalapit na El Niño, Marso 22 sa Sakayan Conference Room.

Tinalakay sa pulong ang mga agenda ng produksyon ng tubig sa Isabela City, gayundin ang mga posibleng interbensyon sa sunog sa damo sa panahon ng El Niño. Nakasentro rin ang pagpupulong sa pagtukoy sa mga potensyal na alternatibong pinagkukunan at pagpapatupad ng rasyon ng tubig, pag-oorganisa ng Water Summit para sa 45 na barangay ng lungsod, pagbuo ng Water Security Council gayundin ang Task Force El Niño, at ang paglikha ng napapanatiling mga base ng tubig sa buong komunidad.

Kasama sa mga dumalo ay sina CDRRMO Uso Dan Salasim, ISAWAD General Manager Muctar Muarip and Eldrain Pagal, BFP Isabela City CFM CInsp Edgar Quitoy, Deputy CFM SF03 Bernard Cabahug, F03 Zainab Abdah, ENRFO-DENR Almira Luna and Jazelie Cordova, CAO EMS III Albino Orbecido, BASELCO LSD Abdelbaser Musahari, LGU department heads and representatives. (Sulat ni S.J. Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeforAll