2023 NIDA Awareness, Pinarangalan
March 17, 2023Isabela City Welcomes Human Rights Caravan Partners
March 21, 2023
Bilang pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan para sa taong 2023, ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa ilalim ng administrasyon ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman katuwang ang Tanggapan ng Panlungsod na Pampopulasyong Pamamahala at Kagalingan at Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan ay nagsagawa ng isang Kababaihan Symposium para sa piling 150 kababaihan, Marso 16 sa Isabela City Infirmary Multipurpose Hall.
Naghatid ng maikling mensahe si OIC CSWDO Nor-Aina Asmara, na sinundan naman ni CPDMO Jesielyn Puno na ipinakilala ang pangunahing tagapagsalita na si Atty. Rosebelle Sanson.
Tinalakay naman ni Atty. Sanson ang mga paksa ukol sa Safe Spaces Act (RA 11313) at binigyang diin ang probisyon sa Violence Against Women and Children (VAWC).
Pinaalala naman ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman ang kahalagahan ng karapatan ng kababaihan at kung ano ang dapat gawin kapag nalabag ang mga karapatan at tinugunan din ang diskriminasyon sa babae gayundin ang pagtataguyod ng economic empowerment sa mga babaeng kalahok.
“Masasabi natin in a way, pero napakarami pa rin satin ang napagiiwanan. Kung sa usapin ng women empowerment ng kababaihan ang dami pa nating dapat trabahuhin… I don’t really like it when fellow women are being downplayed.”
“’Pag may nakita akong magaling na babae, gusto kong mas lalo ko pa s’yang iangat. Kasi kung ano yung marating n’ya, yung karangalan na makukuha n’ya, karangalan natin ‘yon bilang kababaihan.”
Bukod dito, tinalakay ng tagapamuno ng DICT Basilan na si Michael Jolo ang ligtas at responsableng paggamit ng ICT gayundin ang IRR sa RA No. 11934 o kilala bilang “Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act,” ang katayuan nito at ang mga iba’t ibang uri ng cybercrime.
Dumalo ang mga kababaihan mula sa IBBLA sa pangunguna ni Shiela Pagarigan, KALIPI sa pangunguna ni Yolanda Savariz, Isabela City Schools Division-Alternative Learning System teaching staff, BNS, BHW at Isabela City Youth Network. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Related