Pinulong ni Isabela City Mayor Sitti Djalia A. Turabin Hataman ang mga naging biktima ng baha sa mga evacuation centers ng Barangay Menzi at Barangay Aguada, Enero 15.
Kasama rin sa nasabing pagpupulong ang mga Punong Barangay ng Menzi na si Hon. Marilyn Aguinid at si Hon. Jessie James Ibañez ng Barangay Aguada, City Health Officer Dr. Mohrein Ismael VI, OIC-CSWDO Nor-aina Asmara, at City Nutrition Action Focal Jesielyn Puno.
Pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan ang posibilidad na paglipat sa mga vulnerable individuals gaya ng mga matatanda at mga bata sa mas maayos at ligtas na lokasyon habang may banta pa ng masamang panahon sa lungsod.
“Meron sa mga evacuees talagang totally damaged at inanod ang mga bahay kaya wala silang babalikang tahanan. Nakikita natin hindi sila agad makakaalis ng evacuation center kaya pinag usapan natin ang posibleng paglipat sa kanila sa mas maayos na lugar. Sobrang siksikan talaga sila ngayon sa barangay hall at malakas ang risk na magkasakit lalo na mga sanggol at matatanda,” ayon kay Mayor Dadah.