Look
August 8, 2022
Pagpakeseg
August 10, 2022

Ilan sa mga nagpabakuna sa Plaza Isabela sa pagsisimula ng “Sa Booster, PinasLakas,” ika-09 ng Agosto, ay nagwagi ng mga pa-premyo handog ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela de Basilan sa pangunguna ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman at ng Tanggapan ng Kalusugang Panlungsod sa pamumuno ni Dr. Mohrein Ismael VI.
Magpapatuloy ang pa-raffle hanggang hapon. May pa-cooncert din kasama sina Isa at Bella sa gabi.
Tara na at manalo ng mga grocery packs, bigas, hygiene kits, at balik-eskwela package.
Ang Isabeleñong bakunado, protektado!