Bumisita si Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman kasama ang ilang pinuno ng mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa burol ng namayapang dating alkalde ng Lungsod ng Lamitan, Rosita Furigay, Agosto 1, upang ipakita ang pakikiramay at pagsuporta sa mga kaanak at kaibigan nito sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.
Kinikilala ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang lahat ng nagawa ng dating alkalde hindi lamang para sa mga mamamayan ng Lamitan, kundi para sa lahat ng Basileños.
Inna Lillahi Wa inna Ilayhi rajioon.
Related