Peace and Order, and Public Safety Committee Meeting
𝗔𝗜𝗖𝗦 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗣𝗔𝗬𝗢𝗨𝗧
January 28, 2022
LOOK
January 31, 2022
Ngayong huwebes, January 27, 2022, idinaos ang Peace and Order, and Public Safety Committee Meeting upang pag-usapan ang naganap na shooting incident noong January 25, 2022 sa Brgy. Aguada.
Bahagi ng napagusapan ang mga hakbang na isinagawa ng ating Chief of Police, investigator, at intelligence personnel. Ayon sa kanila, patuloy ang pag kalap ng impormasyon para sa mga posibleng suspect at ang pag-imbestiga sa crime scene. Patuloy rin ang koordinasyan kasama ang SOCO at AFP.
Ipinakita naman ng CDRRMO ang mga CCTV footages sa mga nasasakupang lugar sa oras ng insidente. Kanilang inihayag na hindi pa opisyal na inilunsad ang City Surveillance Headquarters dahil sa ginaganap na troubleshooting ng ilang cameras sa siyudad. Ngunit ayon kay CDRRMO Chief Uso Dan Salasim, kanilang bibilisan ang pag-aayos at pag tapos sa mga natitirang gawain upang tuluyan nang magamit ang CCTV footages sa oras ng sakuna.
Ini report din ng PNP ang kamakailang mga kaso ng pagnanakaw ng motor sa siyudad. Ayon sa kanila, ito ay kahit pa nasa loob na ng bakuran o bahay ang mga motor.
Dahil dito, muling inangat ang mga polisiyang COMELEC-Gun Ban at “No Plate, No Travel.” Hiniling ng committee na mas pag-higtingin pa ang pagpapatupad ng mga ito para sa mas ligtas at maayos na Isabela City.
Pinangunahan ni Committee Chair Richie Biel ang meeting kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlunsod: Vice Mayor Kifli Salliman, City Councilors Jashim Tiplani, Ar-Jhemar Ajibon, Tammy Ismael, Yusop Abubakar, at Khaleedsher Azarul; City Administrator Joel Zanoria, representatives mula sa SOCO at PNP.
Always remember to #KIFsafe everyone.