Ang lahat ng magpapabakuna ay makakatanggap ng isang (1) raffle coupon para makasali sa VAXX To The Future, May Premyo ang Bakunado Raffle Promo ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela de Basilan sa pangunguna ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman. Iba’t-ibang premyo ang naghihintay sa mga maswerteng bakunado ng lungsod.
Nakatakdang ganapin ang raffle draw ngayong ika-30 ng Enero, 2022. Maaaring mapanalunan ang mga sumusunod:
1 winner of Php 100,000
3 winners of Php 50,000
5 winners of Php 20,000
10 winners of Php 10,000
2 winners of motorcycles
2 winners of refrigerators
5 winners of flat screen TVs
15 winners of smartphones
Kahit bakunado ka na ay may chance ka pa rin manalo ng mga pa-premyong ito. Bumili lamang ng mga grocery items sa mga participating establishments sa lungsod sa halagang Php350 at may 1 raffle coupon ka na!
Maging Protektado! Magpabakuna kontra COVID-19 at manalo!
Related