Maraming maraming salamat Deputy Speaker at Basilan Lone District Representative Mujiv S. Hataman sa tulong na naibahagi sa mga Isabeleños na naapektuhan ng sunog sa Barangay Kaumpurnah Zone 1 at Barangay Port Area noong Sabado, Disyembre 4, 2021.
Nakatanggap ng Php5,000 mula sa Office of the Deputy Speaker Hataman ang mga pamilyang naapektuhan. Bukod dito, nabigyan din sila ng food relief assistance mula sa City Social Welfare and Development Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela.
Muli, ang aming pasasalamat sa lahat ng nagbayanihan upang matulungan ang mga pamilyang nawalan ng tahanan ng dahil sa sunog.
Related