Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng libreng bigas na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela de Basilan para sa ating mga senior citizens na fully vaccinated kontra COVID-19.
Sa Barangay Sunrise, nasa 167 out of 245 na mga benepisyaryong senior citizens ang nakatanggap ng kanilang rice packs ngayong araw ng Lunes, November 22. Sa lahat ng mga fully-vaccinated senior citizens, antabayanan lamang po ang rice distribution sa inyong mga barangay. Hinihikayat din ng City Health Office ang iba pang mga senior citizens na hindi pa nababakunahan na magtungo sa pinakamalapit na vaccination sites.
𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘁𝗲𝗸𝘁𝗮𝗱𝗼. 𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗯𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮 𝘁𝗮𝘆𝗼!
Thank you BION-Sunrise for the photos.
Related