𝐇𝐀𝐏𝐈𝐍𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐌𝐄𝐍𝐙𝐈
City Development Council Executive Committee
September 24, 2021
EMPOWERING OSYs
September 27, 2021
Matagumpay na ibinahagi nina Kapitana Marilyn Aguinid at BIO Lilibeth Rio ang HAPInformation ng kanilang barangay noong September 24, 2021 sa programang HAPIsabela LGU Hour na mapapakinggan sa 97.5 DXNO Radyo Komunidad de Isabela Basilan.
Gaya ng ibang barangay, ipinagmamalaki rin nilang ibinahagi ang mga development projects ng kanilang barangay gaya ng concreting of barangay roads, concreting of pathways, renovation of daycare center, 172 electric posts , installation of street lights at iba pa na mula mismo sa 20% development fund ng kanilang barangay. Sa ngayon may mga iilang proyekto na silang napagplanuhan na siyang maging priority projects nila sa susunod na taon, ito ay ang patuloy na pagsasagawa ng concreting of barangay roads, renovation of health center at iba pa.
Kapuri-puri rin ang kanilang naging aksyon laban sa sakit na COVID-19. Anila, bukod sa assistance ng City government lahat ng mga sumailalim sa isolation o quarantine sa kanilang barangay ay kanilang nabigyan ng food packs. Tulong-tulong din ang bawat tagapaglingkod ng barangay Menzi sa pagpapaalala ng public minimum health standards sa mga residente. Gayundin ang pagpapaliwanag tungkol sa totoong impormasyon ng bakuna laban sa sakit na COVID-19. Sa ngayon, ay nasa 59% na mga senior citizen ang bakunado na at nasa 40% naman ang kabuuang bakunado na kabilang sa priority groups sa barangay Menzi.
Lubos ang kanilang pasasalamat sa City Government sa lahat ng suporta nito sa kanilang barangay. Kanila ring pinapasalamatan ang lahat ng tagapaglingkod ng kanilang barangay maging ang mga residente nito sa patuloy na kooperasyon upang mapanatiling maayos, payapa at maunlad ang kanilang komunidad.
Maraming salamat Barangay Menzi.Kahanga-hanga ang inyong HAPInformation, sana’y magsilbi kayong inspirasyon sa iba pang barangay ng ating lungsod.
Hanggang sa muli!