HAPIsabela LGU Hour
47th Nutrition Month Culminating Activity
August 3, 2021
RESBAKUNA UPDATE
August 3, 2021
City Information Office
 
Naging matagumpay ang HAPInformation sa Barangay ngayong hapon sa programang HAPIsabela LGU Hour na dinaluhan ng mga opisyales ng barangay Riverside na sina Capt. Timhar Igasan at BIO Adzhar Tahsin kasama ang mga host na sina Mr. Peter Eisma at Ms. Shane Sualing.
Ayon sa mga opisyal ng barangay Riverside, buhay na buhay ang ekonomiya ng kanilang barangay, unti-unti naring naaayos ang mga karaniwang problema ng kanilang barangay gaya ng droga, basura at iba pa. Gayunpaman, hangad nila na magkaroon ng maayos na pasilidad gaya ng health o birthing center at ang mas pagtibayin ang kakayahan ng barangay sa pagresponde laban sa iba’t ibang sakuna.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang kampanya sa pagbabakuna laban sa sakit na COVID-19 sa kanilang barangay lalung-lalo na sa mga senior citizens.
Maraming salamat sa mga opisyales ng Barangay Riverside na pinamumunuan ni Punong Barangay Timhar Igasan sa paghatid ng HAPInformation ng inyong barangay. Nawa’y patuloy ang inyong tapat at tunay na serbisyo bilang tagapaglingkod ng ating komunidad para sa mas maayos, mas maunlad at mas masayang barangay Riverside!