Road Clearing
PAKARADJAAN 2021
March 3, 2021
COVID-19 Vaccines
March 8, 2021
ROAD CLEARING 2.0 COMPLIANT: 99.832/100 RATE | Pasado ang pamahalaang lokal ng lungsod ng Isabela de Basilan sa isinagawang road clearing validation ng Department of Interior and Local Government (DILG) validation team.
Kinabibilangan ang road clearing validation team ng mga kinatawan mula sa DILG Region IX sa pangunguna ni OIC City Director Genagine Vano Uy, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at isang kinatawan ng Non-Government Organization. Ginanap ang naturang validation Martes ng umaga, March 2, 2021.
Nakakuha ng inisyal na 99.832/100 na kabuuang rating ang lungsod alinsunod sa apat na validation requirements na ikinasa ng validation team.
Mula sa 50 points na perfect score, nakakuha ng 49.832 na puntos ang Isabela City sa road clearing component lula ng nakitang paglabag ng ilang tricycle drivers sa iginuhit na demarkation lines sa parking space ng lungsod.
Tatlong city roads at tatlo ring barangay roads ang inikot ng validation team. Sinimulan ang pag-iikot sa mga kalsada ng Barangay East Side, Marketsite at Port Area na pasok sa City Road alinsunod sa guidelines ng DILG. Tinungo din ng validation team ang mga barangay ng Tabiawan, Baluno at Panunsulan upang matiyak na maiging naipatupad ang utos na road clearing ng Pangulo Rodrigo Duterte.
Sa pagtatapos ng validasyon, pinaabot ni Bise Alkalde Jhul Kifli L. Salliman ang pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng limpiyesa sa pangunguna ni Isabela City Mayor Sitti Djalia A. Turabin Hataman. Ayon kay VM Kifli, maasahang ipagpapatuloy ng lungsod ang nasimulang gawain. Nanawagan din ang Bise Alkalde sa publiko na patuloy na makiisa sa pamahalaan sa mga programang layon ay pagandahin at isaayos ang lungsod.
Ito po ang resulta ng isinagawang validation ng road clearing validation team:
Road clearing Assessment Results:
1. Road clearing component = 49.839/50
2. Ordinance component = 15/15
3. Inventory Component = 5/5
4. Removal of Obstruction w/relocation component = 10/10
5. Rehab component = 10/10
6. Grievance mechanism component= 10/10
TOTAL RATE = 99.832/ 100