Department of Agriculture IX
Isabela City Basilan Pioneers ELEVATE AIDA in the Region
November 24, 2020
LGU-Isabela City’s recognition as a TRAILBLAZER in COVID-19
November 24, 2020

Department of Agriculture IX distributes Goats for Isabela City Farmers

November 12, 2020 | Binisita ng kawani ng Department of Agriculture Region IX sa pamumuno ni Regional Executive Director Rad Donn L. Cedeño ang pamahalaang lokal ng Isabela City ngayong araw, November 12, 2020. Binahagi sa naturang pagbisita ang livestock project ng departamento o ang pamamahagi ng mga alagang kambing sa mga magsasaka sa Isabela City bilang pandagdag at tugon sa food security program ng lungsod ngayong panahon ng pandemya.

Masaya namang pinasalamatan ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman ang DA-9 sa pagbisita at pagbahagi ng naturang mga kambing at siniguro nito na mas pagtutuunan ng pansin ng kanyang administrasyon ang mga proyektong agrikultural lalo na at may kinakaharap parin tayong pandemya.

Ayon kay City Veterinarian Erwin Roy L. Jalao, mahigit kumulang 30 na mga kambing ang ipamimigay sa mga magsasaka ng Irrigators Association ng Barangay Tabiawan. Siniguro din ni Doc. Jalao na mapapanatili ang kalusugan ng ipinamigay na mga kambing na magsisilbing dagdag kita para sa mga benepisyaryong makakatanggap nito.

Magpapadala din ng representative and DA-9 sa lungsod para masuri ang ilang mga lugar kung saan posibleng paglagyan ng panibagong irigasyon.

Pinasalamatan naman ni RD Cedeno ang pamahalaang lokal sa suporta sa mga proyekto nito.

Maliban sa pamamahagi ng mga alagang hayop, pinasinayaan din ng DA-9 sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaang lokal ng Isabela ang kasunduan sa pagpapatupad ng Farm and Post-Harvest Mechanization program na may layong pataasin ang produksyon ng mga mga produktong agriculktural at paggamit ng mga kagamitang mas magpapabilis ng produksyon ng mga aning produkto.

Nilagdaan ni DA-9 Regional Executive Director Rad Don Cedeno at Isabela Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman ang kasunduan sa ceremonial signing ng MOA na ginanap sa Office of the City Mayor, sa lungsod ng Isabela ngayong araw.

#HAPIsabela