Palengke On Tour
Isabela City Foot Pedaled Handwashing stations inilunsad
June 10, 2020
REPORTS ON AGENCY BUDGETS FOR THE COVID-19 INITIATIVES AND UTILIZATION
July 3, 2020

Tuloy tuloy ang serbisyo na hatid ng lokal na pamahalaan ng Isabela de Basilan sa mga Isabeleños ngayong kasagsagan ng banta na hatid ng covid 19. At para makaiwas sa nasabing sakit, ipinapatupad ng lokal na pamahalaan ang “Palengke On Tour” na siyang maghahatid sa mga barangay ng mga bilihin sa palengke.

Sa “Palengke On Tour”, di na mahihirapan pang dumayo sa lungsod ang mga isabelenos para makapamili. Hahatiran na ng lokal na pamahaan ng mga bilihin sa palengke ang bawat barangay sakay ang isang sasakyang puno ng mga produkto. Dahil dito, labis ang pasasalamat ng ilang Isabeleños na nakapamili sa palengke dahil malaking tulong umano ito sa kanila.

Layunin ng proyektong ito na ihatid sa bawat barangay ang mga sariwa at murang produktomg agrikultural tulad ng bigas,karne at iba pang mga gulay na mabibili sa palengke. Ito ay nagsisilbi ring ayuda sa ilang mga ina na nawalan ng hanapbuhay dulot ng pagkalat ng sakit na COVID-19. Sila ang naatasang mangasiwa sa pagbenta ng nasabing mga bilihin.Laking pasasalamat din ng ilang mamimili sa inisyatibong ito na ipinatupad ng lungsod na syang tumugon sa pangangailangan ng ilang mga Isabeleños na kapos at hirap na makapamili.

Sa ngayon, patuloy ang paglilibot ng palengke on tour sa iba’t ibang barangay dito sa lungsod.

Abangan ang pagbisita ng Palengke On Tour sa inyong mga barangay.

Our HAPIsabela Palengke on Tour continues!

Please check the Palengke on Tour schedule:

June 10 (Wednesday)- 9:30AM Barangay Masola- 1:00PM Barangay Kapayawan

June 11 (Thursday)- 9:30AM Barangay Kumalarang- 10:30AM Barangay Makiri- 1:00PM Barangay Balatanay

See you there and please do not forget to bring with you your own personal bags or basket. We will not be providing plastic bags. Don’t forget to use your face mask as well.A synergy project of the City Tourism Office, the City Agriculture’s Office and PESO. Department of Agriculture Region 9 is also in full support of the program. _#HAPIsabela

#PalengkeOnTour

#HAPIsabelaPalengkeOnTour

#PalengkeOnWheels

#IsabelaCityTourism

#IsabelaDeBasilan