June 3, 2020 |ISABELA CITY, Basilan – Tinupok ng malaking sunog sa Kaumpurnah zone 2 ang may 36 na kabahayan ngayong miercoles ng hapon. 75 pamilyang may 237 dependents ang lumabas na apektado sa nangyaring sakuna.
Nagsimula ang sunog bandang ala una ng hapon at naapula naman ito ng mga bandang 2:25pm. Tulong-tulong ang mga residente kasama ang mga rumesponde na bumbero galing sa BFP Isabela, CDRRMO Fire Auxiliary Service, PDRRMO FAS, UECI Fire Rescue, at BFP Lamitan dahilan upang mabilis na naagapan ang paglawak ng sunog.
Itinalaga ang Kaumpurnah Elementary School bilang pansamantalang Evacuation Center para sa mga nawalan ng tirahan. Kaagad namang namigay ng tig-iisang sako ng bigas at 10 latang sardinas ang lokal na pamahalaan ng Isabela City sa mga nasalanta.
Agad na umaksyon ang CDRRMO, CSWDO at CGSO ng Isabela City upang mas maagang matugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima.