π—žπ—”π—”π—₯𝗔π—ͺ𝗔𝗑 π—‘π—œ 𝗔𝗣𝗨𝗛 π—”π— π—•π—”π—Ÿπ—”π—‘π—š

In Photos
March 4, 2022
LOOK
March 7, 2022
Bilang paggunita sa sana’y ika-79 kaarawan ng namayapang Manlilikha ng Bayan, Ambalang Ausalin, binisita ni Isabela City Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman at Basilan Lone District Representative at Deputy Speaker Mujiv S. Hataman ang kaniyang bahay at mga kaanak sa Lungsod ng Lamitan, ika-4 ng Marso.
Matatandaan na pumanaw noong ika-18 ng Pebrero si Apuh Ambalang. Siya ay kinilala sa kanyang taglay na husay, dunong at pagpapahalaga sa paghabi ng tennun na may iba’t ibang estilo at disenyo bilang bahagi ng mayamang kultura at sining ng mga Yakan ng Basilan –isang angking yamang kultural na ipinagdidiriwang at ipanagmamalaki ng buong Basilan tuwing Tennun Pakaradjaan Basilan.
Siya ay ginawaran ng Gawad Manlilikha ng Bayan at tinanghal na National Living Treasure para sa tradisyunal na paglalala noong 2016.