Bilang bahagi ng Minimum Public Health standards na ipinapatupad ng pamahalaan, de padyak na handwashing stations (Foot Pedaled Handwashing Stations) inilunsad sa mga pampublikong lugar sa Isabela City.
17 na inisyal na handwashing stations ang inaasahang ilulunsad simula June 8, 2020. Hinihikayat din ang mga negosyante maging ang lahat ng barangay sa lungsod na mag angkop ng Foot Pedaled Handwashing Station sa kani-kanilang lokalidad. Ito ay nang masigurong malinis at ligtas ang lahat laban sa sakit na COVID-19.
Pinapaalahanan ang lahat na ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon, hand sanitizer o alcohol at sundin ang mga alintuntuning pangkalusugan na ipinapatupad ng pamahalaan.